Alice Guo, inaresto sa selda!
Sa bagong arrest warrant
MANILA, Philippines — Isa na namang warrant of arrest ang isinilbi ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Guo Hua Ping, o Alice Leal Guo, sa loob ng Correctional Institution for Women (CIW) kung saan siya nakakulong, sa Mandaluyong City, Biyernes ng gabi, Agosto 14.
Dakong alas-6:00 ng gabi nang arestuhin ng MPD- Jose Abad Santos Police Station (PS-7) Warrant and Subpoena Section ang 40-anyos na si Guo, Chinese national na nakapiit na dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan kabilang ang human trafficking sa sinalakay na operasyon ng POGO hub sa Tarlac.
Tatlong magkakahiwalay na kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang nakasaad sa warrant of arrest na may inirekomendang P90,000 piyansa sa bawat bilang na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court Branch 67, noong Agosto 7, 2026.
- Latest















