^

Police Metro

Norwegian AI data hub developer binira sa pambabastos sa mga Pinoy

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. ang aniya’ kasuklam-suklam na asal ng managing director at Artificial Intelligence (AI) date center developer sa nangyaring public hearing sa Oton, Iloilo.

Ito ay matapos na mag-walkout sa lugar ang nasabing opisyal na si Daniel Stefan Robertsen habang kasagsagan ng konsultasyon sa panukalang 50-megawatt hyperscale AI date center sa nasabing lalawigan.

Sa ilalim ng panukala, magtatayo ng 10 ektar­yang AI data center campus sa Barangay Abilay Sur, Oton.

Sa nangyaring public hearing nitong Biyernes, sinasabing naging balisa si Robertsen matapos na magtanong ang mga residente roon tungkol sa posibleng impact ng panukala sa kanilang water resources.

Bago lumayas sa pagdinig, tahasang sinabi umano ni Robertsen na hindi niya pinipilit ang sinuman sa pagtatayo ng data center. Kumalat din sa social media na iniinsulto nito ang mga local reporters na nagko-cover sa nasabing event.

Ayon kay Abalos, hindi nito dapat murahin o bastusin ang mga Pilipino lalo na sa sarili nating bansa kundi dapat irespeto niya ang mga tao at batas lalo na pa’t siya ay isang dayuhan.

BENHUR ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with