Project engineer., leadman, obrero ninakawan sariling proyekto, tiklo
MANILA, Philippines — Hindi nakalusot sa on-site security personnel ang tatlong indibiduwal sa pagsasabwatan umanong nakawin ang 133 kilo ng scrap copper wires sa West Side City Project, J.W. Diokno Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City, noong Huwebes ng hapon.
Arestado ang isang 25-anyos na leadman, isang 44-anyos na project manager, at isang 31-anyos empleyado ng Building Management System (BMS) engineering, na naaktuhan ng on-duty guard habang ikinakarga ang scrap wires sa isang van dakong alas-4:38 ng hapon ng Agosto 13, 2026.
Kinuha umano mula sa bodega ng project site ang mga scrap materials nang hindi awtorisado.
Naharang naman ang van na pinagsakyan ng scrap materials at nang inspeksyunin ay natukoy na mga copper wires na nagkakahalaga ng P215,000.00 ang mga scrap copper wires na nasa 9 na sako.
Itinurn-over ang mga suspek sa Parañaque police.
- Latest





















