^

PM Sports

Alas pinayuko ng Japan

Elech Dawa - Pang-masa
Alas pinayuko ng Japan
Sharina Rhayza Lleses.
(AVC)

MANILA, Philippines —  Ginawa ng Alas Pilipinas Girls ang lahat ng makakaya subalit hindi pa rin sapat kaya naman yumuko ang mga ito sa Asian powerhouse Japan. 23-25, 19-25, 16-25 sa classification round ng FIVB Girls U17 World Championship na nilaro sa Santiago, Chile kahapon.

Pinamunuan ni Caera Celis ang opensa para sa Alas Girls sa nilistang 16 points mula sa 12 kills, tatlong blocks at isang service ace matapos ang isang oras at 13 minutong bakbakan.

Nag-ambag naman si Xyz Rayco ng seven attack points habang apat ang tinikada ni Jhaynna Bulandres para sa Alas Girls.

Lumakas naman ang tsansa ng Japan na masilo ang  ninth-place finish matapos ang impresibong panalo laban sa Alas Pilipinas Girls, si  Miko Takahashi ang nagtala ng team-high na 15 points kasama ang 11 spikes at apat na service aces habang may 10 at pito ang kinana nina Reina Nakagawa at Ren Sugimoto, ayon sa pagkakasunod.

Makakalaban ng Japan sa susunod na phase ng classification round ang Poland.

Makakatapat naman ng batang Nationals ang Vene—zuela, nagharap na sila sa Pool play kung saan ay nanalo sa limang sets ang Batang Nationals.

Suportado Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Asics, nakapagtala ng historic run ang Alas Pilipinas Girls nang makapasok sila sa Round of 16 matapos magtala ng 2-3 karta sa Pool B.

FIVB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with