^

PM Sports

Gilas Boys bigo sa Australia

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigo ang Gilas Pilipinas Boys na mailista ang ikalawang sunod na panalo sa 2026 FIBA U18 Asian Championships matapos ang 69-107 pagyukod sa defending champion Australia kahapon sa Veer Savarkar Indoor Stadium sa Ahmedabad, India.

Nadiskaril ang hangad na back-to-back wins ng mga Pinoy dribblers matapos takasan ang Chinese Taipei, 89-88, sa una nilang laro para sa 1-1 baraha sa Group A sa ila­lim ng 2-0 kartada ng mga Aussie cagers.

Umiskor si George Aidan Green ng 12 points para sa Gilas Boys kasunod ang 10 markers ni Luke Atacador, habang may tig-siyam na puntos sina Elias Gish, JB Cagurungan at Andrew Chio.

Kumamada si Yahya Basaran ng 17 markers sa panig ng Australia kasunod ang 16 markers ni John Aryang.

Ang basket ni Sizco Roquid ang nagdikit sa Nationals sa 24-26 sa pagsisimula ng second quarter kasunod ang pinakawalang 13-0 atake ng Australia para lumayo sa 39-24 at ta­ngayin ang 22-point halftime lead, 56-34.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Gilas Boys na inaasahang babawi sa Thailand bukas ng alas-4 ng hapon.

Nauna nang minasaker ng mga Aussies ang mga Thais, 102-32.

Ang top seed teams sa Group A, B, C D ang bibigyan ng outright quarterfinal sport at ang se­cond at third squads ang maglalaban para sa huling apat na quarterfinal spots.

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with