^

PSN Showbiz

Singer na rin...Gladys Reyes, naglabas ng primera kontrabida single

Pilipino Star Ngayon
Singer na rin...Gladys Reyes, naglabas ng primera kontrabida single
Gladys Reyes

Inilabas na ng seasoned actress-host na si Gladys Reyes ang una niyang recording project na Primera Kontrabida, isang novelty-pop song na kumuha ng inspirasyon mula sa mga karakter na ginampanan niya sa mga nagdaang dekada.

Isang kwelang anthem ito na nagsisilbing selebrasyon ng tinaguriang Primera Kontrabida sa showbiz habang nagpapaalala sa listeners na ang tunay na kalaban ay wala sa telebisyon o pelikula kundi nasa iba’t ibang uri ng kasamaan, tulad ng panloloko, manipulasyon at kasakiman.

Makikita sa teaser na inilabas ng StarPop ang mga larawan ng ilan sa mga sumikat na kontrabida roles ni Gladys, kasama na bilang Betsy sa Ang Dalawang Mrs. Reyes, Mayet sa Ang the Breadwinner Is…, Salve sa Here Comes the Groom at Clara sa Mara Clara.

Unang inawit nang live ni Gladys ang kanta sa ginanap na Primera Kontrabida Sings event sa Riser Lounge noong Agosto 1.

Mula ang Primera Kontrabida single sa komposisyon ni ABS-CBN Music creatives, content and operations head Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus nito kasama si StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Napapakinggan na ito sa iba’t ibang music streaming platforms.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with