^

PSN Palaro

Pinoy cagers ‘di umubra sa mga Aussies

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinoy cagers ‘di umubra sa mga Aussies
Bigo ang mga Pinoy cagers na maduplika ang naunang 89-88 paglusot sa Chinese Taipei at nahulog  sa 1-1 record sa Group A sa ilalim ng 2-0 marka ng mga Aussie dribblers.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi umubra ang de­ter­minasyon ng Gilas Pilipinas Boys matapos ang 69-107 kabiguan sa nagdedepensang Australia sa 2026 FIBA U18 Asian Championships kahapon sa Veer Savarkar Indoor Stadium sa Ahmedabad, India.

Bigo ang mga Pinoy cagers na maduplika ang naunang 89-88 paglusot sa Chinese Taipei at nahulog  sa 1-1 record sa Group A sa ilalim ng 2-0 marka ng mga Aussie dribblers.

Pinamunuan ni George Aidan Green ang Gilas Boys sa kanyang 12 points kasunod ang 10 markers ni Luke Atacador at may tig-siyam na puntos sina Elias Gish, JB Cagurungan at Andrew Chio.

Idinikit ni Sizco Roquid ang Nationals sa 24-26 sa pagbubukas ng se­cond quarter kasunod ang inihulog na 13-0 bomba ng Australia para lumayo sa 39-24.

Isinara ng mga Aussies ang first half bitbit ang 56-34 kalamangan patungo sa pagbaon sa Gilas Boys sa 107-65 mula sa dalawang free throws ni Isaac Riddle sa huling 57 segundo ng laro.

Pipilitin ng Gilas Boys na makabangon sa pagsagupa sa Thailand bukas ng alas-4 ng hapon.

Umiskor si Yahya Basaran ng 17 markers para sa Australia kasunod ang 16 markers ni John Aryang.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with