Vice, nag-sorry nang personal sa MTRCB

Ibinahagi ni Vice Ganda na bago pa man magpadala ng summon letter ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa It’s Showtime producers hinggil sa episode nila last July 24, 2026 ay nag-reach out na siya sa chairperson ng ahensya na si Lala Sotto at nag-apologize na siya.
Matatandaang inireklamo ng netizens ang Memerimar skit (Laro Laro Pick segment) ng programa dahil naglalaman daw ito ng colorist, offensive and insensitive remarks gayundin ang “lugaw” scene. “Wala pa ‘yung MTRCB na ano, I already reached out to MTRCB. Sabi ko, ‘may ganito pong eksena,’ ganyan-ganyan. Tapos, ‘Ay, wala pa namang nakakarating sa amin,’” kwento ng Unkabogable Box Office Star sa naganap na contract signing niya with MediaQuest Holdings last Wednesday.
Sey raw niya kay Chair Lala, “pero gusto ko na pong mag-apologize.”
Aniya, “kasi siyempre, naka-hurt ako ng audience ko, eh. Naka-hurt ako ng madlang people. Eh ang obligasyon ko ay pasayahin sila, eh hindi sila naging masaya, so it pains me na na-dissapoint ko ‘yung audience ko kaya I will apologize right away.
“Kaya nung nag-usap kami ni Miss Lala, sabi niya, ‘maganda ‘yung naging desisyon mo na nag-apologize ka agad.”
Nagkaroon na nga raw sila ng hearing tungkol dito at gustung-gusto raw niyang pumunta pero nagkataon na flight na niya that day patungong ibang bansa. “May hearing sila, gusto kong pumunta. Pupunta ako sa hearing. Kahit sabi ko, ia-adjust ko ‘yung flight ko. Kasi Wednesday ‘yon, ‘yung hearing. Eh ang flight ko, Wednesday. So, ‘adjust ko kaya, gabi na lang ako umalis or the following day,’” kwento ng TV host/comedian.
Pero si Chair Lala na raw mismo ang nagsabi sa kanya na huwag nang dumalo dahil hindi naman daw siya talaga ang kailangan sa pag-uusap. “Hindi ako ni-require ni Miss Lala, pero nag-usap kami, in-explain ko sa kanya, ganyan-ganyan,” sey niya.
Tungkol sa kanyang kontrobersyal na bakasyon, aniya ay mayroon siyang legitimate leave at matagal na itong nakaplano. Nataon nga kasi ang bakasyon niya sa summon ng MTRCB kaya kung anu-ano na ang naging reaksyon ng netizens at isa nga rin sa naging ispekulasyon ay nasuspinde siya na napatunayan din namang hindi totoo. “‘Yung mga tao, may kanya-kanyang salita, ‘di ba? They made it controversial, so sila ang gumawa ng kwento, sila rin naman ang nag-isip, sila rin ang nag-stress, ‘di ba? So, give ko na lang sa kanila,” saad niya.
Samantala, dalawang taon ang pinirmahahang kontrata ni Vice sa MediaQuest at kabilang na rito ang contents na gagawin niya sa TV5 na hindi pa niya ini-reveal kung ano pero sinigurado niyang magiging win-win situation ito sa lahat ng involved sa partnership.
“It’s going to be a big win for me, for TV5, for MediaQuest, for ABS-CBN, and for everyone that I’ll be sharing this win-win,” aniya.
EA at Shaira, naka-isang taon nang kasal
Ang sweet ng anniversary greetings sa isa’t isa ng mag-asawang EA Guzman at Shaira Diaz sa pagdiriwang ng kanilang first wedding anniversary kahapon, Aug. 14.
Sa Instagram post ng Kapuso actress, ipinahayag niya ang pasasalamat sa pagkakaroon ng napakapabait na asawa at wala na raw siyang mahihiling pa.
“One year married to this amazing man, and I still can’t believe how fast time has flown. I feel so blessed that God gave me a partner who is so supportive, caring, loving, patient, and understanding. Bonus dahil pogi pa!
“Hay, wala na talaga akong mahihiling pa,” simula ni Shaira.
“Sabi nila, ang swerte mo raw sakin, pero ang totoo, ako ang swerte sayo, Baba. You always bring out the best in me. I’m at my happiest when I’m with you. You’re my safe place, my best friend, and my home. Thank you for loving me unconditionally,” patuloy pa ng aktres.
Sinabi rin ni Shaira na happy wife siya at looking forward pa sa mga susunod na taong pagsasamahan nila ni EA.
“Here’s to more years of choosing each other, growing together, and making beautiful memories side by side. Kahit isang taon na, araw araw pa rin akong excited matulog at gumising sa tabi mo. Ang saya saya ko dahil ikaw ang kasama ko sa buhay. I love doing life with you. Mahal na mahal na mahal kita! @ea_guzman Happy 1st anniversary to us,” mensahe ng aktres sa hubby.
Madamdamin din ang naging mensahe ni EA sa misis at walang dudang masayang-masaya rin siya sa piling ni Shaira.
“Mrs. Guzman, Happy 1st wedding anniversary to us. One year as husband and wife, and I’m still so grateful that I get to do life with you. Sa isang taon na lumipas at sa marami pang taon na darating, ikaw at ikaw pa rin.
“Ikaw ang kasamang bubuo ng mga pangarap. Ikaw ang yayakapin tuwing masaya o malungkot ang paligid ko. Ikaw ang uunahin ko sa lahat.
“Salamat sa pagmamahal na hindi nauubos at sa pag-aalaga na walang hinihinging kapalit. Ikaw ang TAHANAN, PAHINGA, at HABAMBUHAY ko,” ang nakakakilig na anniversary greeting ni EA sa kanyang wifey.
- Latest




















