PBB, naghahanap ng mga housemate

Magbubukas na ulit ang Pinoy Big Brother (PBB) na uumpisahan ang auditions para sa paparating nitong Collab 3.0.
Ito ay kanilang ipinahayag sa kanilang social media pages kahapon.
Naging guest din ang mga host nito na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia sa It’s Showtime kasama ang dating housemates para nga sa nasabing announcement.
Ang mga audition ay hanggang Agosto 31, bukas para sa mga may edad 18 hanggang 35 – worldwide raw.
Ang paparating na season ay kasunod ng unang dalawang season ng Collab ng ABS-CBN at GMA 7, na nagtampok sa mga Kapamilya at Kapuso celebrity.
Maaalalang sina Mika Salamanca at Brent Manalo ang naging Big Winners sa unang season, habang sina Lella Ford at Caprice Cayetano ang nanalo ng titulo sa second season ng PBB Collab.
Lilipat na this season ang bahay, matapos gibain ang original PBB house sa Mother Ignacia.
Wala pa silang sinasabing lokasyon kung saan sila lilipat.
- Latest























