^

PM Sports

NLEX tumukod sa Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa
NLEX tumukod sa Converge
Ang layup ni balik-import Cameron Clark ng Converge matapos makawala sa depensa ng NLEX.
PBA Image

MANILA, Philippines — Umeskapo ang Converge sa lider subalit pilay-pilay na NLEX, 112-110, upang makapagbuhul ng winning streak papasok sa mahabang bakasyon ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagala-FPJ muna ang FiberXers kontra sa all-Filipino na Road Warriors bago ibuhos ang lahat sa fourth quarter para sa solo tersera puwesto ng Group A hawak ang 5-4 kartada matapos sumemplang sa apat na sunod na kabiguan.

Kagagaling lang ng Converge sa 120-103 pana­lo kontra sa Terrafirma at nabigyan din ng ikalawang galos ang NLEX, na tabla ngayon sa San Miguel bitbit ang parehong 7-2 karta.

Tumabo ng 37 puntos at 12 rebounds si Cameron Clark sahog pa ang 3 tapal upang banderahan ang panalo ng FiberXers.

Ito na rin ang ikalawang panalo ni Clark matapos palitan si Jamaal Franklin na pinalitan naman ang original import na si Jalen Hudson.

Nakaakbay niya sina Juan Gomez De Liaño at Justin Arana na may tig-19 puntos habang may 11 puntos din is Justine Baltazar. Solido rin ang ambag na 6 puntos at 13 rebounds ni Calvin Abueva.

“It’s back-to-back wins but we need more adjustments, especially on defense. Imagine they don’t have an import and it’s a close game. We need more adjustments in this coming break,” ani head coach Dennis “Delta” Pineda.

Magkakaroon ng lagpas 2 buwang pahinga ang PBA upang suportahan ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2nd round ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan at pagdepensa ng Nationals sa korona nito sa 2026 Asian Games sa Achi at Nagoya, Japan.

Walang import ang kalaban ng Converge na NLEX matapos magtamo ng leg injury si DeQuan Jones subalit nahirapan pa rin ito nang mabulaga ng Road Warriors hawak ang 28-16 bentahe sa 1st quarter. 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with