Aljur, ‘di pa rin annulled!

Malabo pang mapakasalan ng actor-singer na si Aljur Abrenica ang kanyang present live-in partner, ang VMX star at ina ng kanyang tatlong anak na si AJ Raval, dahil hindi pa annulled ang kasal nila ng kanyang ex-wife na si Kylie Padilla at ina ng kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Si AJ naman ay may isang anak sa dating karelasyon na si Ariana (8) at isang deceased boy.
Maganda ang co-parenting arrangement nina Aljur at dati niyang misis, anak ng actor-politician na si Sen. Robin Padilla na si Kylie Padilla.
Jerald at Kim, handa na sa baby nila!
Ang celebrity couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina ang kauna-unahang brand ambassadors ng Botejyu Teishoku (Japanese set meals) ng popular chain of Japanese restaurants, ang Botejyu.
Ang mag-asawang Jerald at Kim ay parehong contract talents ng Viva Artists Agency (VAA), ang artist management arm ng Viva na pinamumunuan naman ng second child ni Boss Vic del Rosario na si Veronique del Rosario as president.
Speaking of Jerald and Kim, mahigit limang buwan pa lamang sila bilang mag-asawa matapos nilang magpakasal sa Amorita Resort in Panglao, Bohol nung nakaraang March 1, 2026.
Since 43 na ang singer-actor-comedian na si Jerald at 35 naman si Kim, pareho na silang handa na magkaroon ng baby.
Rod, na-angioplasty
Kanselado ang ilang natitirang schedule ng final concert tour ng British music icon, singer, songwriter, hitmaker at record producer na si Rod Stewart (81) dahil sumailalim ito ng emergency coronary artery stent procedure (o angioplasty) kaya apektado ang iba niyang schedules sa Missouri, Minnesota at ilang gabi sa Las Vegas, Nevada, USA sa buwang ito ng Agosto.
Pinamagatang One Last Time Farewell Tour, ito’y kanyang sinimulan nung November 2025, na bale ang last major concert tour na gagawin ni Rod magmula nang kanyang simulan ang singing career nung 1961.
Kasama sa mga awiting pinasikat ni Rod ay ang Have You Ever Seen the Rain, Do Ya Think I’m Sexy, Forever Young, All for Love, Sailing, Baby Jane, Have I Told You Lately, Sometimes When We Touch, Young Turks, When I Need You, This Old Heart of Mine, Every Beat of My Heart at marami pang iba.
Bukod sa kanyang husky voice, kilala rin si Rod sa kanyang kakaibang ayos ng buhok na buhaghag at nakatayo.
- Latest

























