^

Pang Movies

Aga, nagpa-throwback sa mga lovelife!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Aga, nagpa-throwback sa mga lovelife!
Aga Muhlach

Last Aug. 12 ay 57 si Aga Muhlach at nag-throwback ito sa ilan sa mga pelikula at TV show na naging malaking parte ng kanyang showbiz career.

Nagbahagi rin ang award-winning actor ng mga behind-the-scene kuwento mula sa paggawa ng mga proyektong ito, pati na rin tungkol sa chemistry niya sa mga dating leading lady.

Sa pelikulang May Minamahal (1993), ikinuwento ni Aga na naging mabilis ang relasyon nila ni Aiko Melendez.

“Mabilis na mabilis lang talaga ‘yun. We were young, and I was busy, and she was busy too. We had our moments, but when we were filming, it was nice,” sey ni Aga.

Strictly platonic naman daw sila ni Lea Salonga noong ginawa nila ang Sana Maulit Muli (1995): “Lea and I have always been friends.”

Sa iconic team-up naman nila with Megastar Sharon Cuneta na Kung Ako Na Lang Sana (2003), isang event iyon para kay Aga.

“Parang si Sharon, nakasama na n’ya lahat ng guys sa industriya ng pelikula. Ako nakasama ko na lahat sa industriya ng pelikula. That’s the only movie we made. It was nice, it was fun. We remain friends up to now.”

At sa kanyang pinagbidahan na sitcom na Oki Doki Doc (1993-2000), doon daw niya nakilala ang kanyang misis na si Charlene Gonzalez. Ni-reveal din ni Aga na kaya biglang natapos ang sitcom after seven years ay dahil ayaw niyang may matanggal sa original cast. “Oki Doki Doc was my life. Nakaupo kami lahat and may tatanggalin sa cast namin. Sabi ko, ‘Since this is going to happen, let this be our last taping day. Since I’m getting married, tapos gusto n’yong tanggalin si ganito. If mawawala ‘yung original cast, let’s end this show on a high note.’”

Kasalukuyang aktibo si Aga sa sports na biking at naghahanda rin siya para sa gagawin niyang pelikula na 2nd Miracle in Cell No. 7 na isa sa official entries ng 2026 Metro Manila Film Festival.

Angeline, inilihim ang pag-aaral

Ikinuwento ni Angeline Quinto na sa loob ng halos apat na taon, inilihim niya sa karamihan, pati sa asawa niyang si Nonrev Daquina, ang kanyang pagbabalik sa pag-aaral.

Nagtapos siya kamakailan ng Bachelor of Business Administration, major in Marketing Management, sa Immaculada Concepcion College.

Para kay Angeline, mahalaga ang tagumpay na ito dahil ito ang matagal nang pangarap ng kanyang inang si Mama Bob, na madalas siyang pinu-push na mag-aral bago ito pumanaw noong Nov. 2020.

Kaya naman nagbalik siya sa pag-aaral noong 2021, sa mismong taon na nalaman niyang ipinagbubuntis niya ang kanyang unang anak na si Sylvio.

“Pag-uwi ko ng bahay, pagtulog na ang mga bata, at tulog na rin si Nonrev, saka ako babalik. Saka ako pupunta sa isang kwarto,” sey ni Angeline.

Pakiramdam ni Angeline, nandun si Mama Bob sa tabi niya nung maka-graduate na siya. “Malamang kasama ko talaga si Mama nung nasa stage ako at kinuha ko ‘yung diploma ko.”

Queen Clarisse, ayaw nang buhayin ni Julia Andrews

Kinumpirma ni Julie Andrews na hindi na siya babalik para sa The Princess Diaries 3 dahil itinuturing na niyang retired na siya.

Tinanggihan ng 90-year-old Oscar winner ang alok na gumanap muli bilang Queen Clarisse sa pelikula.

Ayon sa kanya, mahirap man itong tanggihan dahil ilang beses siyang inanyayahan noong nakaraang taon, pero naniniwala siyang magtatagumpay pa rin ang proyekto kahit wala siya.

“I think I probably passed... I think I’m retired, really, would be about the best description for that. The film’s creative team asked me all last year if I would be keen to do it. It was very very hard to say ‘no,’ but I did because I thought I had a wonderful ride, and this one I felt would flourish very well and wouldn’t need Granny going in there at my age.”

Bagama’t matagal nang hindi lumalabas sa harap ng kamera si Andrews, patuloy pa rin siya sa kanyang voice acting sa iba’t ibang proyekto sa loob ng huling dekada.

Kabilang dito ang mga pelikulang Minions: The Rise of Gru, The King’s Daughter at Aquaman, pati na sa Netflix series na Bridgerton.

 

 

AGA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with