^

Police Metro

Coed nahulog sa DLSU campus building, patay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 18-anyos na babaeng estudyante matapos umanong mahulog mula sa ika-10 palapag ng gusali ng De La Salle University katabi ng Enrique Razon Sports Complex sa Malate, Manila,nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa pulisya na ang insidente ay naganap, alas-12:57 ng tanghali sa kahabaan ng Noli Agno

St., kanto ng F. Reyes St., Barangay 708.

Bago ito ay iniulat ng ilang saksi at concerned citizen ang biktima na nasa gilid ng ika-10 palapag ng gusali kaya naman ito ay pinuntahan ng mga security guard para tingnan ang lugar.

Nakita nila ang isang babae na nakahiga sa gilid ng pasimano ng palapag ng gusali, subalit bigla na lamang umano itong gumulong at nahulog sa ibaba.

Rumesponde ang doktor ng De La Salle University sa lugar at idineklara na patay na ang babae.

Nabatid na ang babae ay incoming DLSU student at huling nakatira sa university’s Female Athletes Dormitory sa kahabaan ng F. Reyes St., Barangay 714, Malate.

Kinumpirma naman ng DLSU ang insidente na sangkot ang incoming student na nahulog sa gusali ng campus at inireport nila sa Malate Police Station (PS-9) pasado ala-1:35 ng hapon at ma­ging sa mga magulang ng nasabing estudyante.

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Section sa insidente ng pagkahulog.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with