^

Police Metro

Babaeng Grade 10 student napana sa leeg sa loob ng klasrum

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na babaing Grade 10 student ang nasugatan nang siya ay aksidenteng tamaan ng pana sa kaliwang bahagi ng leeg habang nasa klasrum ng isang eskuwelahan sa high school sa bayan ng San Mateo, Isabela noong Martes ng hapon.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), nangyari ang insidente, alas-4:00 ng hapon sa Salinungan National High School sa nasabing bayan.

Sa pahayag sa mga pulis ni Dr. Eulysses Daquioag, principal ng nasabing paaralan na nasa loob ng klasrum ang biktima nang biglang may lumusot na pana sa bintana at tumama sa leeg nito.

Nabatid na ang pana ay pinakalawan ng isang 15- anyos na archery athlete na nagsasanay sa labas.

Isinugod sa pagamutan ang biktima at isinailalim sa operasyon bunga ng insidente.

Bago ito nabatid na ang estudyanteng archery athlete na may dalang “bow and arrow” ay nagpaalam sa kanyang guro para umano magpraktis na kung saan ay nagpakawala ng pana sa bahagi ng amphitheater subalit dumeretso sa klasrum at tumama sa leeg ng biktima.

Inihayag naman ng principal ng eskuwealahan na hindi awtorisado na magpraktis ng arche­ry sa loob ng school premises at bukod ito ay wala umanong kasamang coach ang nasabing atleta.

Nasa mabuti nang kalagayan ang biktima habang nagbigay na rin ang eskuwelahan ng pinansyal na ayuda sa pamilya ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng kaso at kung makakasuhan ang student athlete.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with