Sundalo nasawi, 2 pa sugatan
MANILA, Philippines — Napaslang ang isang sundalo habang dalawa pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway ng Brgy. Tagbak, Indanan, Sulu nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang nasawing biktima na si Corporal Aldrin Wanson, 34, miyembro ng Army’s 41st Infantry Battalion sa ilallim ng Army’s 11th Infantry Division. Si Wanson ay nagtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng kaniyang ulo na agarang ikinamatay nito.
Sugatan naman sina Corporal Benjie Jacinto, 33 at Corporal Philip Wiga, 31 ay pawang isinugod sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para malapatan ng lunas.
Sa ulat ng awtoridad, naganap ang pag-atake sa nasabing mga sundalo dakong alas-8:15 ng umaga sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, magkaangkas sa motorsiklo ang tatlong sundalo patungo sa Army’s 11th Division Training School nang sundan at pagsapit sa highway ng Brgy. Tabak ay tinambangan ng riding in tandem gamit ang cal. 45 pistol.
- Latest


















