Titan Ultra nalasing sa SMB

MANILA, Philippines — Nilagok ng San Miguel ang ikatlong sunod na panalo matapos lasingin ang Titan Ultra, 143-113, sa second round ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kumolekta si balik-import George King ng 39 points, 10 rebounds, 5 assists at 2 steals para sa 7-2 record ng Beermen sa Group A, habang may 21 at 15 markers sina Don Trollano at Marcio Lassiter, ayon sa pagkakasunod.
“Kailangan before the break makakuha kami ng seven wins, at least 90 percent siguro we’ll be in the quarterfinals with three games remaining,” ani coach Leo Austria na nakahugot kay Rodney Brondial ng 13 points at 11 markers kay Jerrick Ahanmisi.
Humakot si import Tirrell Brown ng 34 points, 13 boards at 6 assists para sa Giant Risers na laglag sa 2-7 baraha.
Kinuha ng Dyip ang 27-26 abante sa first period bago ito pinalaki sa 32-26 matapos ang jumper ni Damie Cuntapay at tres ni Fran Yu sa pagbubukas ng second quarter.
Ngunit nagsimula nang magwala ang San Miguel at naghulog ng isang 18-2 bomba tampok ang dalawang triples ni Ahanmisi para agawin ang 44-34 abante sa 7:12 minuto nito.
Isinara ng Beermen ang first half bitbit ang 64-50 kalamangan patungo sa 76-55 paglayo mula sa basket ni Brondial sa 8:24 minuto ng third period.
Lalo pang nalugmok ang Dyip sa 94-116 matapos ang jumper ni June Mar Fajardo sa 6:41 minuto ng final canto.
- Latest
















