^

Metro

Vendor, dakma sa tangkang pananaksak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong attempted homicide sa piskalya ang suspek na si alyas “Andy,” 52, bunsod ng reklamo ng kanyang kapitbahay na si alyas “Chie,” 32, na nahulog sa bubong sa Tondo, Manila kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gate 8 ng Parola Compound, sa Tondo.

Nagkukumpuni umano ng bubong ng kanyang bahay ang biktima nang kumprontahin ng suspek habang may hawak na patalim matapos na mapunang tinatamaan nito ang bubong ng kanyang bahay. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang insidente sanhi upang tangkain ng suspek na saksakin ang biktima.

Nagmamadaling bumaba ng bubong ang biktima, ngunit minalas na mawalan ng balanse at mahulog.

Naisugod ng mga kaanak sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima upang malapatan ng lunas.

Naaresto na ang suspek na naaresto sa isinagawang follow-up operation.

MANILA

TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with