Mga Diamonds sa Rampa
41 celebrities ang rumampa sa Diamond Jewelry Fashion Show sa Edsa Shangrila kamakailan. (pang 42 dapat ako! chos!)
Ito ay bahagi ng 5th anniversary ng Maddox Jewelry ni Celebrity Alahera Charo Cordial. (waiting ako sa pa-alahas ni madame!)
Tinapok dito ang apat na thematic runway segments—Icons of Forms and Radiance, Icons of Brilliance and Elegance, Icons of Timelessness, at Icons of Legacy na dinirek ni Robbie Carmona. (gusto ko maging icon!)
Kabilang sa nagpaningning event ay sina Claudine Barretto, Ara Mina, Pokwang, Beauty Gonzalez, Katrina Halili, Diana Zubiri, Geneva Cruz, Kris Bernal, AJ Raval, Aljur Abrenica, Diego Loyzaga, Jeric Raval, Roderick Paulate, Carmi Martin, Amy Austria, Jackielou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Epy Quizon, James Blanco, Nadine Samonte, Regine Tolentino, Maureen Larra-
zabal, Aubrey Miles, Troy Montero, at ilang mga models at clients. (mukhang mabibigat mga suot nilang diamante ha!)
Agaw pansin ang pagrampa ng celebrity couples na sina AJ Raval at Aljur Abrenica at sina Aubrey Miles at Troy Montero. (makapagharbat nga ng jowa!)
Naaliw rin ang audience sa fierce runway walk ni Ryza Cenon, sa espesyal na natural diamond necklace na idinisenyo mismo ni Beauty Gonzalez, at sa eleganteng finale walk ng Claudine Barretto, na umani ng malakas na palakpakan. (may pa audience impact ang ate mo!)
Sa kanyang mensahe, binalikan ni Charo ang kanyang paglalakbay—mula sa pagiging anak ng isang magsasaka sa Bicol na na-ngarap lamang makapagtapos ng pag-aaral at maging engineer, hanggang sa pagtatatag ng Maddox Jewelry. (makapagtatag nga ng.. kulto!)
Ibinahagi rin niya na nagsimula lamang nya sa simpleng live selling noong panahon ng pandemya.
Mula sa pagbebenta ng bags at gold jewelry, unti-unti itong lumago hanggang sa maging kilala sa natural diamond jewelry market at pinagkakatiwalaan na ng maraming celebrities. (dapat i-friend ko sila!)
Para kay Charo, ang naturang event ay higit pa sa isang fashion show. Isa itong pagdiriwang ng limang taon ng sipag, tiyaga,mga pangarap na natupad, at paraan ng pagpapasalamat. (gusto ko rin magcelebrate with diamonds!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest




















