^

PM Sports

Alex nagpasalamat sa ‘Barangay Toronto’

Chris Co - Pang-masa
Alex nagpasalamat sa ‘Barangay Toronto’
Alex Eala

MANILA, Philippines — Hindi maitago ni Alex Eala ang sayang nararamdaman nito sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga kababayan nito sa National Bank Open sa Toronto, Canada.

Ibinahagi ni Eala ang kanyang mainit na pasasalamat sa kanyang post sa social media kung saan tinawag nitong ‘Barangay Toronto’ ang atmosphere na naranasan nito habang naglalaro ito sa Sobeys Stadium center court.

Tunay na mala-barangay talaga ang experience nito dahil dinumog ng Pinoy fans ang stadium na may seating capacity na 12,500.

Soldout ang lahat ng laro ni Eala.

“Saya pala dito sa barangay Toronto,” ani Eala sa kanyang post.

Ilang larawan ang ipinost ni Eala.

Kabilang na rito ang kanyang doubles game kasama si legendary tennis player Venus Williams at ang kanyang coach na si Joan Bosch.

Hindi rin mawawala ang blue dinosaur na mas lalong bumubuhay sa crowd sa tuwing lumalabas ito.

Sa katunayan, sa ikalawang laro ni Eala kontra kay Caty McNally, hinanap talaga ni Eala ang blue dinosaur sa crowd.

Malaki ang pasasalamat ni Eala sa mga fans dahil isa ito sa mga pinaghuhugutan nito ng lakas sa tuwing lumalaban ito.

“Difficult to put into words but very easy to be grateful for you all. Feeling the love in ways that I will pro­bably only fully appreciate later. Thank you for allowing me to experience beyond what I know. I am quite the lucky one,” ani Eala.

Nakaabot sa fourth round si Eala sa Toronto matapos yumuko kay Belinda Bencic ng Switzerland.

Sesentro na ang atensiyon ni Eala sa Cincinnati Open kung saan hawak nito ang No. 17 seed.

Makasisiguro na ng opening round bye si Eala.

Makakalaban ni Eala sa second round ang mana­nalo sa pagitan nina Elena-Gabriela Ruseng Romania at Magda Linette ng Poland na maghaharap sa first round.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with