Prosec dismayado sa ‘ghosting’ ng defense panel

MANILA, Philippines — Dismayado ang prosecution panel sa “ghosting” o pangi-Indian sa kanila ng defense panels ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng itinakdang dapat na pagkikita upang pagkumparahin ang Acknowledgement Receipts (ARs) sa auditing ng confidential funds na ipriprisinta sa Senate impeachment trial.
“Na-Indian po kami,” reklamo ni prosecution private counsel Atty. Lorna Kapunan sa pagpapatuloy ng paglilitis nitong Martes na nangangahulugan na hindi sila sinipot ng defense team ni VP Sara.
Sinabi ni Kapunan na nag-text pa siya noong Miyerkules ng nakalipas na linggo sa defense team at sinabing kung maaring magkita sila noong Huwebes o Biyernes para sa pagpapatuloy ng paglilitis pero wala ang mga itong naging tugon na tila umiiwas at inaantala ang istipulasyon ng mga ARs.
Gayunman hindi umano agad tumugon ang defense team hanggang sa huling sandali noong Huwebes na sinabing sa Agosto 14 na lamang sila magkita gayong lagpas na ito sa isinuhestiyon ng Senate impeachment court dahilan ang itinakdang susunod na paglilitis ay Agosto 10 bagaman nakansela ito sa habagat.
Sinabi naman ni Senate Presiding Office Senator Chiz Escudero na ‘ghosting’ ang nangyari kina Kapunan matapos na hindi siputin ng defense panel. “Hindi ka ini-Indian, siguro ginhost ka.”
- Latest
















