20 patay kay Luis, Maymay, Habagat – NDRRMC
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 20 katao ang naitalang nasawi, 15 ang nasugatan habang 4 pa ang nawawala sa epekto ng bagyong Luis, Maymay at habagat sanhi ng ilang malalakas na pag-ulan sa ilang mga rehiyon sa bansa na nagdulot ng malawakang pagbaha.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (), ang 20 na nasawi sa Regions I, II, III, V, VI, IX, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR) at MIMAROPA.
Base sa rekord na ipinalabas ng NDRRMC, 9 ang nasawi sa landslide sa Baguio City, dalawa sa La Trinidad at isa naman sa Benguet.
Nakapagtala naman ang CALABARZON ng apat na nasawi kabilang ang tatlo sa lalawigan ng Batangas na dalawa sa landslide, isa ang nalunod at isa naman ang nakuryente habang naglalakad sa baha.
Isa naman ang naitalang nasawi matapos matumbahan ng nabuwal na punong kahoy sa Antipolo City.
Nakapagtala naman ang NDRRMC ng 15 kataong nasugatan habang apat naman ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
- Latest



















