^

PM Sports

Eala No. 17 seed sa Cincinnati Open

Chris Co - Pang-masa
Eala No. 17 seed sa Cincinnati Open
Alexandra Eala of the Philippines celebrates after winning a women's singles match against Naomi Osaka of Japan on day six of the Mubadala DC Open 2026 at William H.G. FitzGerald Tennis Center on August 01, 2026 in Washington, DC.
Emilee Chinn / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines —  Isa si Alex Eala sa mga seeded players sa Cincinnati Open na papalo sa Agosto 13 hanggang 23 sa Lindner Family Tennis Center sa Mason, Ohio.

Pormal nang inilabas ng WTA ang listahan ng mga seeded players kahapon kung saan hahawakan ng Pinay netter ang No. 17 seed sa naturang WTA 1000 event.

Ito ang pinakamataas na seed ni Eala sa WTA Tour.

Dahil dito, sigurado na naman si Eala ng tiket sa second round ng Cincinnati Open.

Nakatakda namang ilabas ng mga organizers ang draw ngayong araw upang magkaalaman kung sino ang mga posibleng makalaban ni Eala sa kanyang draw.

Kasalukuyang nagpapahinga si Eala matapos ang sunud-sunod na laban sa Washington DC at Toronto, Canada.

Nagkampeon si Eala sa Mubalda DC Open sa Washington matapos ta­lunin si Jessica Pegula sa finals.

Nakaabot naman si Eala sa fourth round ng National Bank Open sa Toronto kung saan naputol ang kampanya nito matapos lumasap ng 4-6, 0-6 kabiguan sa kamay ni Belinda Bencic ng Switzerland.

“I will take maybe two days off, a day or two. I do have to travel to Cincinnati. I need to get a haircut. I haven’t gotten a haircut in a while. My nails are grown out,” ani Eala.

Makakasama ni Eala bilang seeded players sina world No. 1 Aryna Sabalenka ng Belarus, No. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan, No. 3 Pegula, No. 4 Coco Gauff ng Amerika at No. 5 Mirra Andreeva ng Russia.

Umaasa si Eala na magkaroon ng magandang kampanya sa Cincinannati Open na huling torneong lalahukan nito bago magsimula ang US Open sa Setyembre.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with