^

PM Sports

3YO Sprint race ikakasa sa pista ng PJCI

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang sumalang ang Final Gambit sa magaganap na 2026 PHILRACOM ‘3-Year-Old Sprint Stakes Race’ na ilalarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Gracia, Batangas sa darating na Linggo.

Makakatagisan ng bilis ng Final Gambit ang apat na tigasing kabayo sa distansyang 1,000 meter race kung saan ay nakalaan ang P1M Guarantee prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce, magiging karibal ng Final Gambit ang Animo Magnolia, Edge Of Glory, Georgia at My Oh My.

Base sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang gilas ang kalahok na Georgia na sasakyan naman ni jockey Jomer Estorque.

Magbubulsa naman ang breeder ng mananalong kabayo ng P50,000 habang P30,000 at P20,000 ang second at third sa karerang kakargahin ng Colt ang 55 kgs. habang 53 kgs. ang papasanin ng Filly.

Samantala, maliban sa nabanggit na stakes race tiyak na may ihahandang mga balanseng regular na karera ang pamunuan ng Philippine Jockey Club Inc. (PJCI) sa mismong araw ng labanan.

Noong Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas  ang kabayong King James ang sumungkit ng korona sa naganap na 4-Year-Old Sprint race.

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with