FIBA U19 World Cup spot asinta ng Gilas Boys
MANILA, Philippines — Isa sa apat na tiket para sa 2027 FIBA Under 19 World Cup ang puntirya ng Gilas Pilipinas Boys sa kanilang pagsabak sa 2026 FIBA U18 Asian Championships sa Ahmedabad, India.
Nasa Group A ang Nationals kasama ang Australia, Chinese Taipei at Thailand kung saan ang top team ang awtomatikong papasok sa semifinals, habang ang second at third placers ay sasalang sa crossover qualification round kontra sa second at third seed teams mula sa kabilang grupo.
Nakatakda ang 2026 FIBA U18 Asian Championships sa Agosto 13 hanggang 23.
Magkakasama sa Group B ang New Zealand, Lebanon, Great Britain at Syria, habang nasa Group C ang China, Iran, Qatar at Sri Lanka at ang Group D ay binubuo ng Korea, Japan, India at Kazakhstan.
Hangad ng Gilas Boys na makalaro sa 2027 FIBA U19 World Cup na idaraos sa Pardubice, Czech Republic.
Babanderahan nina 6-foot-7 Filipino-American Elias Gish at Jacob Lacson ang Gilas Boys kasama sina Fil-Canadian Aidan Dayco-Green, Fil-Australian Sizco Roquid, Prince Cariño, Chog Moral, Ethan Aguas, JB Cagurungan, Andrew Chio, Pat Pasinos at Bruce Tubongbanua.
Unang makakatapat ng mga Pinoy dribblers ang Chinese Taipei bukas kasunod ang Australian sa Sabado at ang Thailand sa Lunes.
- Latest





















