^

Police Metro

414 lugar sa bansa lumubog sa baha   

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
414 lugar sa bansa lumubog sa baha           
Kahit maulan dulot ng habagat ay patuloy ang rescue team sa paghukay sa mga bahay na natabunan ng lupa sa naga­nap na landslide sa Riverside, Guisad Sur, Baguio City na kung saan ay anim + katao ang kumpirmadong nasawi.
Artemio Dumlao

Dulot ng habagat

MANILA, Philippines — Umabot na sa 414 mga lugar sa mga rehiyon sa bansa ang lubog pa rin sa baha dulot ng southwest monsoon rain o habagat.

Ito an iniulat kahapon ni Office of Civil Defense (OCD) Assistant Spokesman Diego Agustin ­Mariano na kung saan sa Central Luzon ay nasa 227 lugar ang lubog sa baha.

Pangalawa ang CALA­BARZON (Region IVA) na nakapagtala ng 88 lugar; Ilocos Region na nasa 65 at MIMAROPA (Region IV B) na nasa 34 pang mga lugar na lubog pa rin sa mataas na tubig baha.

 Samantalang sa Metro Manila ay patuloy naman ang monitoring sa mga lugar na patuloy na nakararanas ng pagbaha.

Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay wala namang pagbaha pero may insidente ng landslide habang ang Western Visayas (Region VI) ay wala ring mga pagbaha pero may mga residente na apektado naman ng malalakas na pag-ulan.

Sinabi ni Mariano na patuloy ang pagtulong ng lokal na disaster res­ponse teams sa mga pamilyang apektado ng kalamidad kabilang na ang mga residente na stranded sa mataas na tubig baha.

Naitala naman sa 65 lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ang suplay ng kuryente dulot ng habagat bagaman naibalik na ito sa 52 lugar habang 13 pa ang wala pang kuryente habang ginagawa ang balitang ito.

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with