^

Police Metro

Fast lane para sa dengue at leptospirosis, iniutos ni Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) ang pag-activate ng mga fast lane para sa dengue at leptospirosis sa mga pampublikong ospital sa buong bansa sa gitna ng malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat at mga nagdaang bagyo.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, pinagana ng DOH ang kanilang leptospirosis at dengue fast lanes sa lahat ng kanilang ospital at Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Centers.

Sa kautusan ni Marcos na dapat handa ang mga ospital sakaling tumaas ang kaso ng leptospirosis at dengue sa mga apektadong lugar.

Nakahanda na rin aniya ang mga gamot para ipamahagi ito sa local government units (LGUs) para masiguro na ang health emergency response team ay handa sa deployment sa evacuation centers.

Pinatitiyak din ni Pangulong Marcos ang kaligtasan ng mga health workers na sinusuong ang mga putik at baha para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with