^

Police Metro

Meralco may bawas singil ngayong Agosto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) noong Lunes na bababa ang singil sa kuryente ng P0.0428 kada kilowatt-hour (kWh) para sa singil sa buwan ng Agosto.

Nabatid na nagtaas ng singil ang Meralco simula noong Hunyo 2026, at ngayon naman ay ibinaba ang kabuuang singil para sa isang karaniwang sambahayan sa P14.7833 mula sa P14.8261 kada kWh noong Hulyo.

Sinabi ng Meralco na ang pagbaba ay katumbas ng humigit-kumulang P9 na bawas sa singil sa kuryente ng mga sambahayang kumokonsumo ng 200 kWh.

 Una nang inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na i-refund ang P9.5 bilyon sa mga customer nito.

Ito ay matapos hingin ng Meralco ang pag-apruba at kumpirmasyon ng komisyon sa totoong kalkulasyon ng Actual Weighed Tariff (AWAT) mula Enero 2025 hanggang Hunyo 2025 at Hulyo hanggang Disyembre 2025.

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with