^

Probinsiya

8 patay, 3 missing sa Baguio landslide!

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
8 patay, 3 missing sa Baguio landslide!
Tulung-tulong ang mga rescuers ng PNP, BFP at CDRRMO-Baguio sa pag­hahanap ng mganatabunan ng landslide sa Purok 2, Guisad Surong, Baguio City, nitong gabi. Lima katao ang patay, tatlo ang nasagip habang lima pa ang pinaghahanap sa lugar kahapon.
Andy G. Zapata. Jr

MANILA, Philippines — Walo ang kumprimadong patay habang tatlo pa ang nawawala nang matabunan ng gumuhong bundok ang tatlong kabahayan dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa Riverside, Purok 2, Brgy. Guisad Surong, Baguio City, kamakalawa ng gabi.

Sa report na tinanggap ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong mula kay Baguio City Police Director P/Col. Ruel Tagel, dakong alas-5:35 nitong Lunes, nang maganap ang landslide at 13 katao ang natabunan ng lupa mula sa tatlong bahay.

Sampu sa 13 katao ang narekober na ng search and rescue team hanggang kagabi.

Isa sa tatlo katao na nasagip ang binawian ng buhay sa ospital habang pito pa ang patay na nahugot sa landslide site kabilang ang 2-anyos na batang babae, isang lalaki at babaeng kapwa adult na magkakasunod na huling natagpuan sa landslide site kahapon ng alas-2:30 ng hapon, 5:30 ng hapon, at alas-6 ng gabi. Kabilang pa sa mga nasawi ay isang 17-anyos na babaeng estudyante, 9-anyos na lalaking estudyante, 9-anyos na estudyanteng babae at isang 56-anyos na lalaki.

Ang tatlong nasagip ay isang babae at isang lalaking kapwa 27-taong gulang at isang 77-anyos na Pastor. Patuloy namang hinahanap ang dalawang babae at isang lalaki na pawang adult.

Dahil sa pagkasawi ng walo sa landslide sa Baguio, pumalo na sa kabuuang 19 katao ang patay, 13 ang sugatan at 6 pa ang nawawala sa malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat sa bansa, ayon sa pinagsamang ulat ng mga opisyal. Sa Region 1, isa ang nakuryente sa La Union, isa ang nalunod sa Alaminos, Pangasinan. Dalawa rin ang nasawi sa landslide sa La Trinidad, Benguet.

Sa CALABARZON, tatlo ang nasawi sa Batangas (nalunod, nakuryente, nadaganan sa landslide) habang dalawa pa ang patay sa rockslide sa Rodriguez, Rizal; isa sa Binangonan na nalunod; at isa sa Antipolo na nadaganan ng punong­kahoy. Nasa 13 katao naman ang sugatan mula Benguet, Rizal, at Cavite.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 223,000 pamilya o 752,000 katao sa Region 1, II, III, V, VI, IX, CAR, MIMAROPA at CALABARZON ang naapektuhan ng habagat. Sa nasabing bilang, 10,000 pamilya o 34,400 katao ang kinakanlong sa 412 evacuation sites. Umabot naman sa 300 kabahayan ang napinsala (276 bahagya, 24 tulu­yang nawasak) habang nasa P1.12 bilyon ang nasira sa imprastraktura at P3.53 bilyon sa agrikultura. May P33.94 milyon na ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya.

DEAD

MISSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with