PRO2 pinaigting kampanya kontra droga

Sa ika-100 araw ng pamumuno ni BGen. Rodriguez
MANILA, Philippines — Bilang pagtugon sa pangunahing agenda ng Philippine National Police (PNP) para sa seguridad at kapayapaan, pinaigting pa ng Police Regional Office 2 sa pamumuno ni Police Brig. Gen. Mariano C. Rodriguez ang kampanya nito kontra droga sa nasabing rehiyon.
Nang maupo noong Mayo 1, 2026, inatasan ni PBGen. Rodriguez ang mga pulis sa Cagayan Valley na manatiling matatag sa pagprotekta sa mga tao, pagpigil sa krimen, pagpapatupad ng batas, at paghahatid ng mga serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman ng komunidad. Ang kanyang pamumuno ay naka-angkla sa PNP Focused Agenda, na nagbibigay-diin sa mga operasyon ng pulisya, pamamahala ng mapagkukunan, kapakanan ng mga tauhan, integridad, at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Ayon kay Rodriguez, sa loob lamang ng 100 araw, pinaigting ng PRO2 ang mga kampanya laban sa kriminalidad kabilang ang paglaban sa iligal na droga na nagresulta sa may 226 na operasyon, 281 na pag-aresto, at pagkakasamsam ng P12.3 milyong halaga ng shabu, marijuana, at cocaine. Kabilang dito ang tatlong High-Value Individual na naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Tuguegarao City at Santiago City, na humantong sa pagkakakumpiska ng mahigit 595 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P3.9 milyon.
Nasa loose firearms ay umabot sa 403 narekober na loose fireamrs din ang narekober, nakaaresto ng 1,101 wanted person, kabilang ang No. 1 Most Wanted ng rehiyon, alyas “Benson”, nakahuli ng 309 sa illegal gambling, nakasamsam ng 42,000 board feet ng troso na P4.1 milyon ang halag, habang sa anti-smuggling operation ay nakakumpiska ng P84.9 milyong halaga ng mga kalakal. Nakarekober din sila ng 16 nakaw na sasakyan, at ibinalik ang walong ninakaw na baka.
Bilang bahagi ng SILG Safer Cities Program, nag-ambag ang PRO 2 sa nationwide accomplishment kung saan may kabuuang 199,892 indibiduwal ang inaresto sa iba’t ibang paglabag.
Isang malaking milestone ang nakamit ng PRO 2 noong Hunyo 4, 2026, nang opisyal na ideklarang insurgency-free ang Rehiyon 2.
- Latest






















