Pujalte nagbitiw sa puwesto

Mercado bagong DOH chief
MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa puwesto si Health Secretary Dr. Jose Brittanio “Brix” Pujalte habang itinalaga namang kapalit nito si PhilHealth president at Chief Executive Officer Dr. Edwin Mercado.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, kung saan ang pagre-resign ni. Pujalte ay bunsod ng kanyang kalusugan. Wala pang isang buwan naging kalihim si Pujalte ng DOH.
Papalit naman kay Mercado sa Philhealth si Dr. Beverly Lorraine C. Ho na chief Health officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc. Si Ho ay nagsilbi rin noon sa DOH assistant secretary at isa rin sa mga naging tagapagsalita ng Kagawaran noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Kung maaalala, naharap sa kontrobersiya si Pujalte, kabilang na rito ang issue sa umano’y suspension sa procurement ng gamot sa tuberculosis, pati na rin ang umano’y gambling issue.
Sinabi pa ni Castro na ipinauubaya na ng pangulong Marcos sa Ombudsman ang pag-iimbestiga laban sa mga reklamo kay Pujalte.
Kabilang naman aniya sa marching order ng pangulong Marcos kay Mercado ay unahin ang kapakanan at kalusugan ng bawat Pilipino.
- Latest
















