Mariel, tinawag na gaslighter

Na-bash na naman nang bonggang-bongga si Mariel Rodriguez-Padilla matapos siyang magpaliwanag tungkol sa naging pahayag niya about her husband, Sen. Robin Padilla na nakagawa na raw ito ng batas habang nasa kulungan ang aktor kahit hindi pa raw ito Senador.
Ang exact words ni Mariel sa viral video, “Si Robin, nakatapos ‘yan ng college. Meron siyang degree sa criminology. Next, si Robin, nun’g nasa Bilibid, nakapagpasa na ng batas, okay? Without even being a senator, okay?”
Dahil sa sinabi niyang ito ay katakut-takot na pang-aalipusta ang natangggap ni Mariel at sinabihan siyang boba dahil Senador lang daw ang pwedeng gumawa ng batas.
Sa latest Facebook post ni Mariel ay sinagot niya ang mga bashers at nagpaliwanag sa kanyang naging pahayag sa pamamagitan ng video.
Ayon sa misis ni Sen. Robin, old video raw ito na biglang nag-resurface. Taong 2022 pa raw ito nang panahong kumakandidato pa lang ang mister niya sa pagka-Senador.
Mababasa rin sa caption ng dating TV host ang kanyang paliwanag.
“Common sense is most uncommon,” ang simulang banat ni Mariel sa mga haters.
“Siyempre, you have to be a legislator to actually make and pass a law. That vlog was made in 2022, when critics were questioning Robin’s qualifications,” aniya.
“Ang sinasabi nila, ‘Walang tinapos na pag-aaral. Marunong ba ’yan gumawa ng batas? Eh ’yan ang trabaho ng senador.”
“So I corrected the point they were trying to make,” dagdag niya.
Sa paliwanag ni Mariel, hindi naman daw niya sinasabing literal ang pagpasa ni Robin ng batas kundi ginawa raw itong case study at that time ng mga legislators para ma-amend ang batas tungkol sa kaso ng illegal possession of firearms at tinawag itong Robin Padilla Law (RA 8294).
“When Robin was in Bilibid, his case became closely associated with the issue that RA 8294 addressed—illegal possession of firearms. RA 8294 was enacted in 1997 while he was incarcerated.
“Now, IF gamitin natin ang talino na binigay sa atin ng Maykapal… sino kaya ang nag-draft at nagpasa ng bill na naging RA 8294?
“Obviously, legislators,” saad ni Mariel.
“That was exactly the point. Robin was NOT a senator then, and I never meant that he literally sat in Congress, authored the bill, and voted for its passage. His experience was being cited to show that even before becoming a senator, he had firsthand experience of how laws—and changes in laws—can directly affect a person’s life,” paglilinaw pa niya.
Hirit pa niya, “Context matters. Comprehension matters too.”
Pero sa halip na malinawan ang mga netizens ay lalo pang na-bash si Mariel sa kanyang explanation at sinabihan siyang ‘palusot’ at ‘gaslighter.’
Narito ang ilan sa nabasa naming komento:
“So, her statement doesn’t have a point in general. If his act helped to aid in legislation, he didn’t craft the law and it still stands na wala pa din siyang know-how how to do it. But then again husband nya yan, of course she would exhaust any means necessary to defend him.”
“Hirap na hirap si Mariel ilusot LoL. Pa glutha drip ka na lang sa Senado ulit. Dali LoL.”
“Ikaw yun mahina comprehension madam. Kundi mahina comprehension mo d mo papatulan yan. Airhead ka din kasi.”
“Gaslighter pa si mariel jusko. Tao pa may mali kesa sa statement nyang 8***.”
“Very clear nong nasa bilibid sya may naipasa na cyang batas!sa presinto ka magpaliwanag!”
“Yung lunod ka na, tapos lalo mo pa nilunod sarili mo.Hayyy Mariel, manahimik ka na lang.”
- Latest






















