Direktor, tinakbuhan ang mga dating staff!
Naghihimutok ang staff ng isang project na katatapos lang nilang gawin na dinirek nang pinagkatiwalaan nilang tao.
Nabalitaan kasi ng mga nasabing staff na may ginagawang bagong project ang direktor na hindi sila kinuha upang maging bahagi ng project.
May mga hindi pa kasi nababayarang tao ang director sa natapos na project. Kailangan din ng mga ito ng pera, pero dedma ang director!
Kaya naman planong magreklamo ng mga hindi pa bayad na staff sa kinauukulan upang makuha nila ang bayad sa serbisyo nila sa project!
Kakie, palaban sa unang pelikula
Sumabak na sa pag-arte ang anak nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie o Kakie Pangilinan kaya nanawagan sa kanyang social media account ang megastar upang panoorin ito.
Ang pelikula ni Kakie ay ang EDJOP na five years in the making bago ipalabas sa screen this September.
Si Elijah Canlas ang lalabas bilang si Edgar Jopson, isang student leader turned activist nung panahon ng Martial Law days bilang paglaban diktadurya ni former president Ferdinand Marcos, Jr.
Wala kaming details sa role ni Kakie.
Iba ang style ng gagawing promotions sa movie dahil makikipag-usap sila sa students sa ilang probinsiya pati na rin mga tao upang ipaalam ang buhay ni EdJop.
May schedule ang filmmakers and cast ng Campus Conversations sa malalaking unibersidad sa Cebu, Zamboanga at Metro Manila.
Mula ito sa direksyon ni Khatski Flores na siya ring sumulat kasama si Direk Jade Castro at kasama rin sa movie sina Cedrick Juan , Menchu Laucngco, at distributed by Warner Bros.
Susugalan ulit sa pelikula!
Matapos ng tagumpay na fan meet, susugalan ng Regal Entertainment ang loveteam nina Dustin Yu at Bianca de Vera sa pelikula.
Nagkaroon na ng announcement ang Regal sa gagawing movie ng Dus-Bia loveteam na Ba’t Di Na Lang Tayo at ang premyadong writer-director na si Jason Paul Laxamana ang magdidirek,
Kung may TV series sina Will Ashley at Mika Salamanca na Delivery Boi, may pelikula naman ang Dus-Bia loveteam, huh!
Kahit wala pang umaamin sa relasyon, kita at dama naman ito sa kilos ng dalawang loveteams!
- Latest





















