^

PSN Palaro

Gilas mapapalaban sa FIBA WC 2nd round, Asiad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas mapapalaban sa FIBA WC 2nd round, Asiad
Gilas Pilipinas
FIBA

MANILA, Philippines — Matinding hamon ang haharapin ng Gilas Pilipinas sa mga susunod na torneong lalahukan nito.

Una na ang second round ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers na lalarga sa huling bahagi ng buwan na ito sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasunod ang Asian Ga­mes na gaganapin naman sa Setyembre sa Nagoya, Japan kung saan dedepensahan ng Gilas Pilipinas ang korona nito.

Kaya naman kaila­ngan ni Gilas head coach Tim Cone na ma­ihanda ng todo ang kanyang tropa para sa dalawang importanteng torneo.

Malaking kawalan si Kai Sotto sa team dahil malaki ang ambag nito sa opensa at depensa.

Masuwerte na lamang ang Gilas dahil malalim ang lineup nito at may ibang players na handang magstep-up upang punan ang mga bakanteng puwesto.

Ilan sa mga ito sina Ke­­vin Quiambao at Carl Tamayo na tunay na nagpaparamdam sa tuwing nabibigyan ito ng playing time sa laban ng Gilas.

Matatandaang nagpa­sabog si Quiambao ng 23 puntos sa 102-106 double overtime loss ng Gilas sa New Zealand sa third window ng qualifiers.

Nagtala naman si Ta­mayo ng 17 puntos tampok ang tatlong three-pointers sa naturang laro.

Kaya naman nakakuha ng papuri sina Quiambao at Tamayo kay Cone.

Sinabi ni Cone na malaki na ang improvement nina Quiambao at Tamayo dahil sa karanasang nakukuha ng mga ito sa kanilang pag­lalaro overseas.

Sa FIBA World Cup qualifiers, makakasagupa ng Gilas ang Hangzhou Asian Games silver meda­list Jordan sa Agosto 28 at dating Asian champion Iran sa Agosto 30.

Sa Asian Games, pasok ang Pilipinas sa Pool C kasama ang China, Bahrain at Kazakhstan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with