^

PM Sports

PBA games tuloy sa Antipolo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos makansela ang ilang laro kamakalawa dahil sa bagyong Maymay at sa habagat, balik-aksyon ang 4 na koponan ngayon upang palakasin ang tsansa nila sa playoffs ng umiinit na PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Mag-aagawan sa kru­syal na No. 4 seed ng Group A ang Converge (3-4) at Terrafirma (3-4) sa unang sultada sa alas-5:15 ng hapon habang lintik lang ang walang ganti para sa lider na NLEX (6-1) kontra sa reigning champion na Talk ‘N Text (4-3) sa alas-7:30 ng gabi.

Sa katunayan ay nalipat ng venue ang natu­rang double-header mula sa Ninoy Aquino Stadium subalit inaaasahan ang parehong bangis at aksyon sa kalagitnaan ng two-round eliminations.

Ngayon, handa na ulit ang mga koponang mag-unahan sa daan sa bandera ng NLEX na asam ang matamis na bawi kahit pa kontra sa kampeon na TNT matapos magalusan ng Terrafirma, 114-109.

Paborito ang mga bataan ni coach Jimmy Alapag sa rematch nila ng Tropang 5G matapos ang 88-83 panalo ng Road Warriors noong Round 1.

Higanti rin ang hangad ng mga tropa ni coach Chot Reyes upang maituwid ang gewang-gewang nilang kampanya lalo’t unti-unti na rin silang nakukumpleto sa pagbabalik nina Roger Pogoy, Jordan Heading, Poy Erram at Brandon Ganuelas-Rosser.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with