^

PM Sports

Gilas Girls target ang Last 16 vs Peru

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng Alas Pilipinas na makapasok sa Last 16 pagkatapos ng preliminary round kaya walang ibang nasa kukote nila kundi ang pagpagin ang tigasing Peru pagharap nila sa FIVB Volleyball Girls U17 World Championship na lalaruin sa San Felipe, Chile nga­yong araw.

Malaki ang tsansa ng No. 25 Alas Girls na makausad sa susunod na phase matapos magtala ng dalawang panalo para ilista ang 2-1 karta at upuan ang second spot sa Pool B.

Solo sa unahan ng nasabing Pool ang defen­ding champion China nasa pangalawa ang Alas Girls kung saan ang top four teams sa bawat group ay sasampa sa Round of 16.

Suportado ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at Asics ang kam­pan­ya ng Alas Girls na yumuko sa kanilang u­nang laro kontra World’s No. 1 China bago pumalo ng panalo sa liyamadong Mexico at Tunisia.

Paniguradong sasandalan ng Alas Pilipinas Girls sina Caera Celis, Xyz Rayco at Sharina Rhyza Lleses para makabingwit pa sila ng panalo.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with