^

PSN Showbiz

Heart, ayaw nang maging istatwa lang!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart, ayaw nang maging istatwa lang!
Heart Evangelista

“Mentally, I’m not out of the woods,” pag-amin Heart Evangelista sa kanyang exclusive interview sa Harper’s Bazaar Singapore .

Pero nagpahabol siya ng : “But I am out of the woods.”

Kasabay nito ang kanyang rebelasyon na nakakahinga at nakakatawa na siya uli.

Ganundin ang kanyang pahayag na naiba ang kanyang pananaw sa nakalipas na taon sa pagtitiwala.

Natutunan raw niya, aniya, na magkaiba ang mga opinyon sa online at ang totoong buhay.

Na ang mga troll ay hindi fans, at ang ang sabay-sabay na pambabatikos ay hindi katumbas ng buong pagkatao o tunay na pagkatao ng sinuman.

Hindi korte ang comment section, bagaman madalas aniya itong nagiging basehan na parang humuhusga na pero walang kalakip na emotional intelligence.

Paglilinaw pa ni Heart : “Ang mahalaga ay ang iyong napatunayan at reputasyon sa mga taong katrabaho mo,” sabi niya sa English.

Dagdag pa niya : “Kung paano mo naisasalin iyon sa iyong trabaho.”

At ang independence aniya para sa kanya sa kasalukuyan ay isang pang-araw-araw na gawain. “Na kaya kong tumayo nang mag-isa,” sabi niya. “Na hindi ko kailangan ng pagsang-ayon ng sinuman.”

At sa kabila raw nang kanyang mga pinagdaanan nanatili ang tinatawag niyang pusong parang sa bata. Dahil aniya  ito sa kanyang pananampalataya—sa paniniwalang ang kawalang-malay ay hindi nangangahulugan ng pagiging stupid, at ang pagiging malambot ang puso ay maaaring umiral nang hindi sumusuko. “Ayokong maging mapanghusga o walang tiwala sa kapwa,” sabi pa niya. “Sa tingin ko naman, hindi ako magiging ganoon.”

Maaaring mas maingat na raw siya ngayon, pero hindi nangangahulugan na lumiit ang kanyang pagkatao. Sa katunayan, tila mas determinado siyang okupahan ang espasyong para sa kanya talaga lalo na sa mundo ng international fashion.

Hindi na aniya siya mistulang estatwa na laging ayus na ayos, kundi isang boses at babaeng kumikilos—hawak nang buo ang kanyang sarili at pagkatao.

At ok na ok daw siya sa “a circle of two over 200.”

Bongga ang nasabing pictorial ni Heart sa Harper’s Bazaar Singapore kaya parang lately, nagsawa na rin ang kanyang bashers.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with