Kakie, may pelikula na!

Ramdam ang pagiging proud ni Sharon Cuneta sa anak na si Frankie Pangilinan na pinasok na rin ang pelikula sa post nito announcing the schedule of Campus Conversations to promote the movie Edjop: The Movie.
Sa post ni Sharon, magsisimula ang Campus Conversations sa Aug. 26, sa Southwestern University Cebu at sunud-sunod na. May naka-schedule sa Ateneo de Zamboanga (Aug. 27), UP Diliman (Sept. 1), UST at FEU (Sept. 2), Ateneo de Manila (Sept. 4), at Xavier University CDO (Sept. 11). Sa Sept. 16, ang simula ng showing ng movie sa mga sinehan.
Post ni Sharon, “My Kakie’s first movie!!! Hope you can all support it. Thank you! Matagal naming inisip paano ba namin ipo-promote ang EDJOP.
“Siyempre andyan yung mga usual events. Premiere night. Press con. Preview. Lahat ‘yan gagawin namin. Pero paano namin ito ilalabas ng mas malawak sa mundo ng pelikula at entertainment? Although masaya ‘yun, andun ‘yun, pakiramdam namin, kulang kung andun lang kami iikot.
“So tiningnan namin ang buhay ni Edjop. He was one of the most impactful youth organizers of the time. Ang simple ng galaw niya.
““Dumirecho ka sa kelangan mo makausap at pakinggan.” Make your case direct to your audience.
“Si Edjop dumirecho –sa estudyante, sa manggagawa, sa naghaharing uri—kay Marcos Sr. Yun ang playbook. Honest, straight to the point. Kaya didirecho na rin kami sa inyo, dear Kabataan. Galawang Edjop,” bahagi ng post ni Sharon.
Binanggit nito na iikot ang cast sa different schools para makipagkuwentuhan.
Mukhang handa nang mag-showbiz si Frankie, a few weeks ago, nag-guest siya sa isang concert at ngayon, sa pelikula na siya mapapanood.
Kris, inatake ng matinding sakit sa taping
Nagkuwento si Loi Villarama ng behind-the-scenes sa taping ng collab nito sa Netflix at sa kuwento nito, nahirapan nga si Kris Aquino. “During the shoot, I saw how hard it was for her because yung rheumatoid arthritis talagang namamaga yung legs and pati yung buto. I felt yung pag usli nung mismong buto on her knees na namamaga. Earlier during the shoot it was okay, pero ganun pala talaga ang auto immune, nakakagulat pag nakaramdam ng pagod, nagre-rebelde na.
“But she never complained, kahit hirap at pagod she was always in high spirits, at pag nasa harap na ng camera wala ka nang mahahalata na she’s in pain. She is a true professional. At kahit may iniindang sakit, palaging “take 1” si KCA.
“Her cut- off time was 12 midnight, but she finished the shoot with no complaints until 1:30 AM.
“Sobrang saya namin na mapanood kang muli KCA @krisaquino. Praying your Continued healing and we are earnestly looking forward to see more of you, Our Queen.”
May nakita kaming photo ni Kris na yakap ng anak na si Bimby Aquino during the shoot. Isa si Bimby sa nagbantay sa mom niya na for sure, nagpalakas sa loob ni Kris, plus present din ang close friends nito.
Fans ni Alex, kinontra ang fake news!
Nag-react ang fans ni Alex Eala sa sinabi ng anchor ng CBCNN Live na “American of Filipino descent” ito at isa sa binanggit na rason ay dahil she speaks the language.” Napa-“ano raw” ang Pinoy fans ni Alex lalo na at hindi siya kinorek ng news reporter na nagbabalita about Alex.
Ang Filipino fans na ni Alex ang naglinaw sa fake news. Filipino born and raised daw ito at Pure Filipino ang parents. Aliw ang comment na “Journalism is dead at CBCToronto.”
Napansin lang namin na mas dumarami ang bashers ni Alex at dahil sa fans na sumusuporta sa kanya. Dapat daw i-educate nito ang fans na ‘wag mag-ingay habang ongoing ang laban.
May nag-comment naman na hinihintay nilang matalo si Alex at tinawag pang overrated ito. Rumesbak agad ang fans nito at ang sayang basahin ang puksaan ng fans at bashers nito.
- Latest























