^

PSN Showbiz

Janine, nanginig!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janine, nanginig!
Janine Gutierrez at Jericho Rosales.
STAR/ File

Sa dalawang araw na rampa namin sa Cinemalaya 22 sa Shangri-La Cinemas, nakaka-good vibes ang suportahan ng mga magdyo-dyowa.

Nung Biyernes ay tahimik lang na sumuporta ang magandang non-showbiz misis ni Luis Alandy sa gala night ng Kaka Sa Yawan. Ang aga nilang nakarating at nagtiyagang nakatayong naghintay sa labas ng Red Carpet cinema ng Shangri-La Cinemas.

Nakasabay nito ang block screening ng pelikulang Hand of God ni Ruru Madrid, at sinamahan si Ruru ng nobya niyang si Bianca Umali. “Very proud,” bulalas ni Bianca nang sinalubong namin para hingan ng reaksyon sa pelikula ni Ruru.

Pati ang bagong kasal na sina Kai Sotto at Rere Madrid ay dumating din para sumuporta kay Ruru.

Ang laki na nga ng tiyan ni Rere na super inalalayan ni Kai.

Nung Sabado naman ay nakakatuwa rin ang suporta ni Jericho Rosales sa nobyang si Janine Gutierrez na isa sa bida sa pelikulang Mag-iina.

Pagkatapos ng screening ay inabutan ni Echo ng bulaklak si Janine at hinalikan. “Ang galing nila!” bulalas pa ni Echo nang nilapitan namin para hingan ng reaksyon.

Kinumusta namin sa kanya ang serye nila ni Janine na The Loyalty Game na streaming ngayon sa Amazon Prime. Magagaling silang lahat doon, at sabi nga ni Echo, “of course we worked so hard on that series. Sorry, ang dami lang nangyayari rito. I’m still on that film.”

Ang tinutukoy niya ay ang Mag-iina na ibang-iba naman kasi ito para kay Janine. “Super! Medyo may nginig pa,” sagot ni Janine nang sinabi naming ibang-iba itong Mag-iina sa mga naunang trabaho niya.

Namataan din namin doon si Elijah Canlas na dumalo sa gala ng Mag-iina, pero solo lang siya at hindi na kami nagkaroon ng chance na matanong bakit wala siyang kasama.

Wala na ba talaga sila ni Miles Ocampo, at sila na ni Thea Astley na nali-link sa kanya ngayon?

Sa totoo lang, nakakatuwang panoorin ang magagaling na mga artistang naging bahagi ng Cinemalaya ngayong taon.

Marami pa sa mga artista natin na napapatunayan nila ang kanilang galing sa pag-arte kapag kasali sila sa Cinemalaya movies.

Marami nga ang pumuri sa batang si Bryce Nicolo Mercader ng pelikulang Kaka Sa Yawan. Isa si Bryce sa produkto ng Bryce Entertainment na itinatag ng producer ng pelikula na si Anna Liza Aklan. Siya na ang gumastos sa pelikula para sa kanyang apong si Bryce na promising naman.

Kaya mukhang tuluy-tuloy na ang pagpo-produce niya dahil sinabi naman niyang depende raw ito sa kanyang apong si Bryce na nae-enjoy nito ang pag-arte.

Andrea, gets na ang epekto ng bashers!

Nasa Italy na ngayon ang buong team ng A Secret in Prague.

Sa pagkakaalam namin ay dito na kukunan ang mga malalaking eksena sa ending nito.

Lalong naging close ang halos lahat na cast ng naturang teleserye dahil sila-sila ang magkasama sa ibang bansa. Pero itong sa Europe ay hindi raw sure si Andrea Brillantes kung makapag-collab sila sa mga ipino-post nila sa social media dahil depende raw ito sa limitadong oras na iso-shoot nila. “Tingnan natin kung makapag-Brazilian dance kami sa Europe,” napangiting pakli ni Blythe (nickname ni Andrea).

Thankful din ang actress dahil kahit laging puno ang schedule niya, nagkakaroon naman daw siya ng time para sa kanyang sarili. Nababalanse raw niya ang oras niya sa kanyang trabaho at mga personal na bagay. “Very important po kasi sa akin na meron akong oras para sa sarili ko para hindi ako nasu-super overwhelm sa lahat po ng gagawin ko.

“Me-time... with my special someone, with my friends, my family. Lahat nabibigyan ko naman ng oras,” saad niya nang makatsikahan namin bago nagsimula ang media conference ng Tara, Kapatid ng TV5 noong nakaraang Huwebes.

Napag-usapan nga ang kasintahan niyang basketbolistang si Pankie Capistrano na suportado naman daw ang magandang showbiz career niya ngayon. “Very supportive naman po hehehe!” napangiti niyang pakli.    

Minsan ay nakukunan silang magkasamang lumalabas at wala naman daw siyang magagawa kapag kumalat na ito sa social media. “Wala rin naman talaga akong magagawa. Ito rin kasi talaga ‘yung perks ng pagiging artista. Kasama siya sa pagiging artista, hindi maiiwasan,” tugon nito.

Hindi na rin daw siya apektado sa mga sinasabi ng iba, lalo na ang ‘di magagandang komento o intriga ng ilang netizens. “Kapag inisip ko nang inisip ang sinasabi ng mga tao, maloloka talaga ako. Kasi never ko sila mape-please. Hindi ko na lang iniisip ‘yung mga iniisip nila.

“Basta ang importante, kung ano ang alam kong totoo, kung ano ang nakikita ni Lord, ‘yun lang!”

Ipinakilala na nga raw siya sa magulang ni Pankie at okay naman daw sila. “Very tight naman po ako with the family. Happy!” sambit niya.

Hindi naman daw nakikialam ang nobyo niya sa kanyang trabaho, at hindi naman siya nililimita sa mga ginagawa niyang projects. “I think maintindihan naman po niya at the end of the day, kasi magkaiba po e. Na-meet niya po ako, eto na ‘yung trabaho ko. Eto na ako matagal na. Siguro iba po siyang diskusyon kung nag-meet kami saka ko pa lang gagawin. Iba po siya, na-meet niya ako, eto na. So tinanggap niya ako na eto na ‘yung trabaho ko,” sabi pa ni Andrea.

=

JANINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with