^

PSN Showbiz

Barbie, bubuhos munang pagmamahal sa sarili

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, bubuhos munang pagmamahal sa sarili
Barbie Forteza.
STAR/ File

 

Ayon sa aktres ay talagang kakaiba ang kanyang ipamamalas ngayon sa mga tagahanga sa naturang proyekto mula sa Regal Entertainment.

Para sa kanya, ito na marahil ang pinaka-mature role na kanyang nagawa sa loob ng 17 taon ng pagiging aktibo sa show business.

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang larawan ng aktres na naka-wedding gown. Dahil dito ay pumutok ang balitang nagpakasal na umano si Barbie. Agad namang nilinaw ng dalaga na eksena lamang sa bagong pelikula ang kuhang larawan na pinag-usapan online.

Matatandaang si Jak Roberto ang huling naging kasintahan ni Barbie. Tumagal ng pitong taon ang naging relasyon ng dating magkasintahan.

Ngayon ay hindi pa umano handa si Barbie na muling pumasok sa isang relasyon. “Hindi ko pa iniisip o hinihiling na magmahal ulit ng iba. Kasi gusto ko munang ibuhos lahat ng pagmamahal na ‘yon sa sarili ko. I don’t casually date, date to marry ang bakla. Saving Cherry nga, so date to marry po ako not until I’m ready. And I’m really, really sure of the person that I’m going out with. Hindi ako makikipag-date,” giit ng aktres.

Vince, masayang nakabilang sa love... Nila Alden

Masayang-masaya si Vince Maristela dahil nakabilang sa Love, Siargao na pinagbibidahan nina Alden Richards, Nadine Lustre at Kim Ji Soo.

Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate ay marami siyang natutunan mula sa mga bagong katrabaho. “Ibang-ibang experience rin talaga na makapagtrabaho with them. Madami akong natututunan, madami akong naa-absorb,” bungad ni Vince sa 24 Oras.

Halos hindi raw makapaniwala ang binata na makakatrabaho sa isang proyekto ang mga napapanood lamang noon. “Siyempre, grabe rin talaga pinapanood ko lang dati sina Kuya Alden, Nadine at Ji Soo. Napaka-unforgettable moment ‘yon dahil dati lang akong nanonood sa TV, ngayon katrabaho ko na sila,” pagbabahagi ng Sparkle actor.

Bukod sa naturang GMA, Viva at Viu Philippines series ay abala na rin si Vince sa Delivery Boi na pinagbibidahan naman ni Will Ashley.

Ngayon lamang umano naranasan ni Vince na makagawa ng isang proyekto na komedya ang tema. “First time ko actually gumawa ng isang comedy show. Sobrang excited nga ako dahil ang dami nga sa internet na funny moments ko, ang daming lumalabas. Pero isa ‘yon sa mga motivation ko na galingan pa lalo.

“Wala ako sa comfort zone ko na nasa drama ako, ganyan. For the past few shows, drama lagi ‘yung napupunta sa akin. Sobrang thankful lang din ako sa opportunity na ‘to,” paglalahad ng binata. (Reports from JCC)

BARBIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with