^

Police Metro

Substandard projects ng DPWH, tatalupan sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tututukan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo ang pag-imbestiga sa mga palpak na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasunod ng mga isyu na mabilis nasisira sa konting pag-ulan lang.

Ayon kay Tulfo, bukod sa mga bagong pangalan at isyu na may kaugnayan sa anomalya sa flood control, iimbestigahan din ang mga substandard na proyekto tulad ng mga tulay, kalsada, at iba pang pampublikong pasilidad na malinaw na hindi sumunod sa mga pamantayan.

“Halatang may korap­syon diyan dahil binigyan ka ng pera o budget para sa mga proyektong iyan pero ‘di natatapos o ‘di kaya naman substandard,” dagdag ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, kina­kailangan na ang imbes­tigasyon na ito lalo na’t ka­makailan lamang ay gumuho ang isang malaking retaining wall sa kahabaan ng EDSA-Ayala northbound sa Makati City matapos­ ang sunud-sunod na bagyo. Nagdulot ito ng matin­ding buhul-buhol na trapiko nang mabarahan ang dalawang pangunahing linya ng daan.

Agad itong kinondena ni DPWH Secretary Vince Dizon matapos matuklasan na ang gumuhong bahagi ay gawa lamang pala sa hardiflex sa halip na matibay na semento.

Bagama’t binigyang-diin ni Senador Tulfo ang kaniyang kahandaan na pa­lawakin ang pagsisiyasat sa flood control issue kapag may mga pangalan ang lumutang, nilinaw rin niyang tututukan din ng Blue Ribbon Committee ang mga nakabinbin na mga isyu ng korapsyon sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with