^

Probinsiya

Traffic enforcer binaril ng sinitang rider, todas!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Traffic enforcer binaril ng sinitang rider, todas!
Kinilala lang ang biktima sa alyas na “Ranso,” 36 anyos, traffic enforcer ng Dasmarinas City, at residente ng Brgy. San Isidro, Labrador 2, ng lungsod, habang ang suspek ay tinukoy sa alyas “Cezar,” residente ng Brgy. H2. Dasmarinas City; pawang sa Cavite.
STAR/ File

CAVITE , Philippines — Isang traffic enforcer ang binalikan at binaril ng isang motorcycle rider na may angkas na babae matapos i-impound ang sasakyan nito kasunod ng kanilang pagtatalo dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, kamakalawa ng hapon sa Congressional Road, Brgy. Burol 1. Dasmarinas City.

Kinilala lang ang biktima sa alyas na “Ranso,” 36 anyos, traffic enforcer ng Dasmarinas City, at residente ng Brgy. San Isidro, Labrador 2, ng lungsod, habang ang suspek ay tinukoy sa  alyas “Cezar,” residente ng Brgy. H2. Dasmarinas City; pawang sa Cavite.

Base sa imbestigas­yon ng pulisya, dakong alas-5:48 ng hapon sa tapat ng Baliwag Lechon Manok habang nakatayo ang biktima kasama ang isa pang traffic enforcer nang dumating ang suspek na armado ng maiksing baril at binaril sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas.

Bago ang insidente, naka-duty at abala sa pag-aayos ng trapiko ang traffic enforcer sa kasag- sagan ng pag-ulan at pagbaha nang sitahin nito ang isang motorsiklo na sakay ang isang lalaki at isang babae dahil kapwa walang suot na helmet.

Hinanapan nito ng lisensya at dokumento ng motorsiklo ng lalaking­ driver subalit expired na ang registration nito at wala ring maipaking lisensya bunsod upang i-impound ng biktima ang motorsiklo.

Ilang oras lamang nang bumalik ang rider at kinausap ang biktima na ibalik na lang ang kaniyang motorsiklo. Tinangka pa umanong suhulan nito ang traffic enforcer para maibalik ang motor nito kung kaya nagkaroon muli sila ng pagtatalo.

Sa galit ng suspek, bumunot na siya ng maik­sing baril at binaril sa sentido ang traffic enforcer saka mabilis na tumakas ang una.

Agad namang naitakbo sa ospital ang biktima pero binawian ng uhay habang nilalapatan ng lunas kahapon ng hapon.

Hawak ng pulisya ang motorsiklo, habang tinutugis pa ang tumakas na  suspek.

BARIL

ENFORCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with