David, susubok sa Viva

Nasa bakuran na ng Viva Artists Agency (VAA) ang dating contract talent ng Sparkle GMA Artist Center na si Althea Ablan matapos itong pumirma ng exclusive management contract with Viva nung nakaraang Biyernes.
Kasunod ng paglagda ni Althea ng kontrata sa Viva ay siya ring pagpirma ng Kapuso actor at entrepreneur na si David Licauco ng contract para naman sa mga proyekto on digital platforms ng Viva pero nananatili siyang Kapuso.
Sina David at Althea ay parehong contract talents ng ALV Talents Circuit ng talent manager at businessman na si Arnold Vegafria. Posible rin umano ang kolaborasyon sa pagitan ng ALV, GMA at Viva pagdating sa pelikula ni David.
Timmy, tinuruan ni Ogie na magsulat ng kanta
Hindi ikinakaila ng comebacking singer-songwriter, actress at businesswoman na si Timmy Cruz na matagal-tagal na panahon din siyang nahinto sa kanyang showbiz career para harapin ang kanyang health struggle matapos niyang ma-diagnose ng breast cancer at maoperahan at maging cancer-free.
Ever since she was a little girl ay hilig na niya ang pagkanta na kanyang tinupad nang walang kaalam-alam ang kanyang pamilya.
Isang araw nung 1980s, nagpasama siya sa kanyang driver na pumunta sa tanggapan ng Vicor Music Corporation (along Aurora Blvd. in Quezon City), ang dating number one record company na pag-aari pa noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly del Rosario Ilacad. Sa hindi kalayuang building ng Vicor office noon ay matatagpuan ang Blackgold Records, ang sister company ng Vicor. Hindi sumailalim ng audition si Timmy at agad siyang binigyan ng recording contract ng Blackgold na ikinabigla ng kanyang ina, ang negosyante at civic leader na si Lourdes Cruz, maging ng kanyang abogadong ama na si Atty. Angel Cruz. The next thing they knew ay nasa telebisyon na si Timmy at kinakanta ang kanyang recorded song sa Blackgold Records.
And the rest is history kumbaga.
Past forward naging aktres pa siya.
At ang kanyang pagkakaroon ng breast cancer ang siyang naging daan ng kanyang pansamantalang pagtigil sa showbiz at doon niya umano sinimulan ang self-care habang siya’y nagpapagaling.
Dumating din ang panahon na nawalan siya ng boses at hindi maigalaw ang kanyang kanang braso kaya sumailalim siya ng therapy. During this time ay natutunan umano niyang mag-paint na nakatulong sa kanyang therapy para muli niyang maigalaw ang kanyang braso.
Nagbabakasyon umano siya sa Amerika nang i-encourage siya ng kanyang mga kapatid na balikan nito ang kanyang showbiz career to keep her busy again (bukod sa business) na kanya namang sinunod. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay kinontak niya ang isang kaibigang director who introduced her sa kanyang present manager na si Rams David. Kasunod na rito ang kanyang muling pag-revive sa kanyang singing and acting career.
Bukod sa pagpipinta, natutunan din ni Timmy ang ang mag-compose at humingi umano siya ng tip sa singer-songwriter at hitmaker na si Ogie Alcasid sa paraan ng pagku-compose at dito niya nabuo ang kanyang comeback record, ang Ang Ganda ng Life, na released na sa lahat ng music digital platforms. Nagbalik-acting din siya sa pamamagitan ng Widows’ War ng GMA.
- Latest




















