‘Pagbawi ng testimonya ng 4 ‘Maleta Boys’, tatak Duterte’
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng paniniwala ang isang pampublikong abogado na ang pagbaliktad ng apat sa 18 “Maleta Boys” ay “tatak Duterte” na nagmamanupaktura ng mga ebidensya sa paggamit ng hindi mapagkakatiwalaang mga testigo para targetin ang kanilang mga kalaban sa pulitika.
“Clear pattern ng manufacturing evidence. Nakita na namin noon pa,” saad ni Atty. Dino de Leon sa News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.
Sinabi ni De Leon na ganito rin ang naging karanasan ng noo’y dating Senador at ngayo’y Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima na nakulong sa loob ng pitong taon sa ilalim ng Duterte administration.
Si De Leon ay legal counsel nina de Lima at Fr. Flavie Villanueva sa kasong perjury laban sa Maleta Boys sa alegasyon na tumanggap ang dalawa ng maletang puno ng pera. Ang DOJ ay naghain ng kasong perjury laban sa 18 Maleta boys sa Las Piñas court na nag-isyu naman ng warrant of arrest laban sa mga ito.
- Latest

















