Higit 9-libong brgy. prone sa baha, landslides
MANILA, Philippines — Nasa mahigit 9,000 na barangay sa bansa ang prone sa mga landslides at pagbaha dahil sa pag-uulan, batay sa pahayag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Bunsod ito, ayon sa MGB sa walang patid na pag-ulan na nararasan sa Luzon at Visayas sanhi ng habagat na pinalalakas ng Bagyong Dolphin na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa tala ng MGB, mula August 8-11, ang Ilocos Region ang may pinaka- mataas na bilang ng mga barangays o nasa 2,933 na barangay na prone sa baha at landslides samantalang ang Central Luzon ay may 1,997 barangay ang prone sa landslides samantalang nasa 1,806 barangay sa Calabarzon.
Sa Metro Manila, nasa 1,403 barangay mula sa Maynila, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, at iba pa ang prone sa baha.
Nasa 707 barangay naman sa Cordillera Administrative Region at 47 barangay sa Cagayan Valley na dumadanas ng matinding lakas ng ulan.
Prone rin sa baha at landslides ang 113 barangay sa MIMAROPA at 90 barangay sa Western Visayas.
- Latest















