^

Police Metro

Leviste, Paras idiniin ni Matibag sa ‘Honeytrap’

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idiiniin kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at da­ting Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras sa kontrobersyal na character assassination campaign na “Honeytrap” laban sa Marcos administration.

Sa news forum sa Dapo Restaurant sa Que­zon City nitong Sabado, sinabi ni Matibag na masusing iniimbestigahan ng NBI ang posibilidad na may malaki pang plano ang iniumang upang siraan ang admi­nistrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa “honeytrap” na kontrobersiya.

Ayon kay Matibag, base sa affidavit ng isang alyas “Ken”, talent mana­ger ng apat na babaeng nasagip ng NBI agents sa anti-human traffi­cking operations, ang mga personalidad na sangkot ay tinatarget si Executive Secretary Ralph Recto sa character assassination campaign.

Inihayag ni Matibag na kabilang sa naturang mga personalidad ay sina Leviste at Paras kung saan si Leviste umano ang hinihinalang financier ng grupo. Ang lokal na pulitika aniya ang nasa likod ng “demolition job” laban kay Recto na nadiskubre nila sa pakikipagpulong ni alyas Ken kina Paras kung saan kasama rin sa pinalulutang na isyu ay ang korapsyon sa pondo ng bayan.

Sinabi pa ng NBI chief na sa Lunes, Agosto 10 ay padadalhan ng summons ang apat na abogado mula sa isang law firm sa Ortigas, Pasig, para dumalo sa imbestigasyon na itinakda sa Biyernes, Agosto 14.

“‘Yung apat na abogado na identified na involved dito sa scheme na ‘to, sa plano na ‘to ay amin na pong pina-subpoena to appear next Friday (August 14),” ani Matibag.

MALETA

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with