5 teroristang Dawlah Islamiyah, todas sa encounter
MANILA, Philippines — Limang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Terrorist Group ang nasawi sa naganap na encounter nitong Huwebes sa Pikit, Cotabato.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marhum Sendig Esmael; Halim Sansawi Usman; Ali Usman Manduh na pawang mga most wanted persons sa BARMM; Rasul Bundas Tito, at Bebeh Ayunan Camsa.
Ayon sa pulisya, nagtungo ang mga otoridad sa Barangay Inug-ug para ihatid ang mga arrest warrant ngunit sa halip na sumuko ay pinaputukan umano sila ng mga suspek.
Gumanti ng putok ang mga operatiba na ikinasawi ng limang suspek.
Kabilang sa mga armas na natagpuan sa tabi ng kanilang mga bangkay ang isang government property na combat rifle ni Patrolman Apollo Pagurayan, na na-ambush, kasama si Patrolman Joerel Basilan Bullos, noong July 7 sa Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat.
- Latest






















