^

PSN Showbiz

Korina, gustong mabuhay nang mahigit 100 years old

Anna Pingol - Pilipino Star Ngayon
Korina, gustong mabuhay nang mahigit 100 years old
Korina Sanchez.
STAR/ File

Noon pa kilala si Korina Sanchez sa pagiging health-conscious.

Then and now, she makes sure she sleeps a maximum of eight hours and a minimum of six.

“Sabi nila, six hours [of sleep], okay na ‘yon, e. Talagang sinosobrahan ko lang kasi gusto ko, super well-rested ako and my body has enough time to heal itself.”

At nagagawa niya ‘yon kahit ang dami niyang shows and commitments, ha. Time management at disiplina lang daw ang sikreto ng lahat.

This time nga lang, mas klaro na ang purpose niya kung bakit mas inaalagaan niya ang sarili niya. And that purpose is named Pepe and Pilar—her adorable seven-year-old twins.

“Ang pakay ko kasi, buhay ako ng 120 years [old] kasi ‘yong mga anak ko seven years old palang... kailangan makita ko ‘yong mga mapapangasawa nila. O sabihin nating nagkamali sila, ‘yong take 2, kailangan alam ko rin kung sino.”

Advance thinker and planner din si Ate Koring (her monicker). Disiplinado nga kasi. But this time, mas lamang talaga na para kina Pepe and Pilar ang da moves niya.

For instance, as early as now, nag-iipon na raw siya ng video recordings niya ng bilins, tips, advices and whatnots para sa kanyang kambal. May video library na raw siya na sinimulan niya noong pandemic. Yet, araw-araw, may naiisip pa rin siyang topic.

“Para if anything happens to me, ‘yong tipong ‘Ano ang gagawin mo ‘pag buwisit ‘yong boss mo?’ ‘Mga red flags sa boyfriend?’” pagbibigay-sampol niya ng mga laman ng kanyang recordings.

But in the end, magdye-generalize lang naman daw sa isang sentence ang laman ng kanyang video bilins. “I can’t really give them advice... but what I can tell them, ‘Kailangan masaya ka whatever you’re doing kasi ‘pag masaya ka, then you can enjoy whatever you’re doing ke’t competitive pa ‘yan.’”

Sa ngayon daw kasi ay napaka-diverse pa ng interest ng mga bagets. Both are trying things na never niya nagawa, particularly sporty things. “Pero ‘wag pa ring kakalimutan ang academics kasi ‘yun pa rin ang magsasalba sa kanila.”

Hindi namin naitanong kay Ate Koring kung para kay Pepe and Pilar din ba ang pagre-reformat ng Face to Face with Ate Koring na show niya sa TV5 (which also airs on ABS-CBN platforms bilang nag-renew nga ng partnership ang Kapatid at Kapamilya networks). Kung dati kasi ay nagre-referee ng mga away-kapitbahay, mag-asawa, kabit, etc. ang format ng show, ngayon ay positive vibes na sila. Mas magazine show na featuring wonder kids, negosyo ideas and inspiring Pinoy stories. Parang 360-degrees turn, ha!

Baka ayaw na niyang mapanood in the future nina Pepe and Pilar ang mga on-air awayan. After all, we have enough of that in the impeachment trial daily. Mas gusto na lang niya na positive vibes ang makita nila.

Bukod nga pala sa Face to Face, ibabalik din ng TV5 ang isa pang magazine show niyang Rated Korina (dating Rated K) na 30 years old na pala! Sa TV5 pa lang ‘yan. Ang dami pang ibang ganap ni Ate Koring na tila wala sa vocabulary ang burnout.

KORINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with