Alas Women minamalas sa SEA V Cup
MANILA, Philippines — Hindi pa rin makahataw ng panalo ang Alas Pilipinas Women.
Ito ay matapos yumukod ang mga Pinay spikers sa host Thailand, 19-25, 17-25, 19-25, sa Leg 2 ng 6th Southeast Asia (SEA) V Cup Women’s Volleyball kahapon sa 700th Anniversary Chiang Mai Sports Complex.
Ito ang ikaapat na sunod na kamalasan ng tropa ni Japanese coach Taka Minowa sa SEA V Cup kasama ang tatlo sa Leg 1 sa Hanoi, Vietnam.
Talo rin ang Alas Women sa Thailand, 17-25, 25-19, 15-25, 25-18, 10-15, sa una nilang pagkikita sa Leg 1.
Walang Alas Women player ang nakaiskor ng double digits kung saan may walong puntos lamang si middle blocker Niña Ytang.
Nagdagdag si middle blocker Alyssa Solomon ng anim na marka, habang may tig-limang puntos sina Eya Laure at Erika Santos.
Pumalo sina Sasipapron Janthawisut at Pimpichaya Kokram ng tig-10 points para sa mga Thais na nagreyna sa Leg 1 laban sa mga Vietnamese.
Sunod na lalabanan ng Alas Women ang Vietnam ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang Indonesia bukas sa parehong oras.
Parehong natalo ang mga Pinay hitters sa mga Viietnamese, 27-29, 17-25, 25-20, 18-25, at sa mga Indonesians, 20-25, 19-25, 22-25, 16-25, sa SEA V Cup Leg 1 sa Hanoi, Vietnam.
- Latest
























