Agosto 8, 2026
LEO (Jul.23 - Aug.22) – Kung aabot sa sukdulan ang pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away pero masarap ang mabuhay nang walang kaaway. Mahigpit na disiplina sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 9, 13, 14, 31 at violet.
VIRGO (Aug.23 - Sept.23) – Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Relax ka lang. Lucky numbers at color of the day ang 3, 22, 35, 37 at red.
LIBRA (Sept.24 - Oct.23) – Nasa tamang daan ng kaunlaran ang nilalandas, kaya ituloy ang ginagawa. Ang payo ay dapat timbangin. Lucky numbers at color of the day ang 4, 14, 34, 39 at aquamarine.
SCORPIO (Oct.24 - Nov.22) – Kung inaakala mo na tama ka sa gagawin, ituloy. Maliban lang kung labag sa batas ng Diyos. Lucky numbers at color of the day ang 4, 29, 31, 39 at orange.
SAGITTARIUS (Nov.23 - Dec.21) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 2, 19, 22, 38 at cream.
CAPRICORN (Dec.22 - Jan.19) – Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang iyong pangarap na kaunlaran. Samahan lang ito ng aksiyon. Lucky numbers at color of the day ang 4, 12, 18, 30 at blue.
AQUARIUS (Jan.20 - Feb.18) – Maganda ang hangarin. Ang kulang lang ay pagkilos. Kung sisimulan, may magandang resulta. Lucky numbers at color of the day ang 16, 20, 31, 42 at brown.
PISCES (Feb.19 - Mar.20) – Maaasahan na malaking pakinabang ang ibubunga ng ginagawa. Magtatagumpay ka sa nilalakad. Lucky numbers at color of the day ang 1, 3, 34, 41 at green.
ARIES (Mar.21 - Apr.19) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa pakikipag-usap dahil magiging selosa siya. Lucky numbers at color of the day ang 9, 17, 39, 41 at ocean blue.
TAURUS (Apr.20 - May 20) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Huwag patulan dahil hahantong sa pagsisisi. Lucky numbers at color of the day ang 7, 26, 30, 36 at fuchsia.
GEMINI (May 21 - Jun.21) – Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto ng tagumpay. At kung ito ay palaging taglay, hindi ka maghihikahos. Lucky numbers at color of the day ang 6, 14, 19, 24 at yellow.
CANCER (Jun.22 - Jul.22) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, tatahakin mo ang kapahamakan. Lucky numbers at color of the day ang 8, 9, 17, 29 at white.
- Latest





















