^

Police Metro

2-anyos tepok sa suntok ng amain

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos na siya suntukin ng amain sa ulo na nainis dahil sa malakas nitong pag-iyak naganap sa Brgy. Catmon, Naval, Biliran, Bohol, kamakailan.

Sa ulat ng Biliran Police Provincial Office (PPO), na ang bata ay binawian ng buhay sa Biliran Hospital sanhi ng internal hemorrhage o pamumuo ng dugo sa kaniyang ulo.

Agad na naaresto ang 27-anyos nitong amain na kinasuhan ng murder sa pagpatay sa anak ng kaniyang live-in partner.

Lumalabas sa imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Agosto 1,alas-10:30 ng gabi matapos na maiwan ang bata sa pangangalaga ng suspek sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Nabatid na pinagsusuntok ng suspect ang bata dahilan ayaw nitong tumigil sa pag-iyak matapos na umalis ang ina na hindi pa nakuntento ay itinulak pa ang bata bunsod upang tumama sa bato ang ulo nito.

Positibong itinuro ng 4-anyos na nakatatandang kapatid ng bata ang suspect na may kagagawan sa krimen.

Sinaklolohan ang bata ng kanilang mga kamag-anak na isinugod sa pagamutan habang tumakas naman ang suspect na nasakote matapos ang ilang oras na pagtugis dito.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with